Title: Meteor Shower

Artist: Sponge Cola

Album: Sponge Cola

Meteor Shower

by: Sponge Cola



Naghihintay ng meteor shower

Nakadungaw sa may bintana

Naglalaro itong isipan

Anong hiwagang sasapit s pagdilim?



Tumutunog ang lumang radyo

Ang kanyang himig naghihinagpis muli

Naghahanap ng katarungan

Baka sakaling meron pang nakikinig



Magigisnan ko rin

Bawat pagsabog at pagningning

Bukas ang aking mat't

Ngayon ay nagmamasid

Sa bawat guhit ng talang inihahatid

Ako ay namamangha



May kumakatok sa aking pintuan

Sabi ng hangin, aking pagbuksan

Naghihintay sangkalangitan

Laking tuwa ko't ikaw ang natagpuan

Ikaw ang natagpuan



Ngayo'y ipagdiwang natin

Bawat pagsabog at pagningning

'Wag ipikit ang mata't

Patuloy lang magmasid

Tingnan kung pa'nong tadhana

Nati'y ginuguhit

Namamangha't ikaw ay aking kapiling

Malalim pa ang gabi...